Home Article Calendar Method: Bilangin kung kailan ka fertile o hindi

Calendar Method: Bilangin kung kailan ka fertile o hindi

Marunong ka ba sa calendar method ng family planning? Alamin kung paano ito gawin at kung pwede ito para sa inyong mag-asawa 🤔

0

Ano nga ba ang calendar method ng family planning?

Ang calendar method ay ang pagbibilang kung kailan at ilang araw ang ating mga buwanang dalaw o period upang malaman kung kailan tayo fertile o malaki ang posibilidad na mabuntis.

Paano gamitin ang calendar method?

Bago natin magamit ang calendar method bilang isang uri ng birth control, kinakailangang na-monitor natin ang haba ng ating period ng mga anim na beses. Maaari itong gawin gamit ang kalendaryo o kahit anong period tracking app na maaring i-download sa ating mga mobile phone.

Ano ang gagawin: Markahan ang inyong unang araw ng dalaw — ito ang tinatawag na Day 1. Sa susunod na period, markahan ulit ang unang araw. Bilangin kung ilang araw ang nasa pagitan ng bawat cycle (o bilang ng araw sa pagitan ng bawat unang araw ng ating dalaw).

I-tala ang anim na buwanang dalaw or higit pa. Halimbawa:

Tandaan: kung ang cycle o bilang ng araw sa pagitan ng bawat unang araw ng buwanang dalaw ay mas mababa sa 27 na araw, hindi magiging epektibo ang calendar method para sa inyo.

Alin ang mga “safe days” sa pakikipagtalik kung gagawin ang calendar method?

Upang malaman ang inyong unang araw na fertile o malaki ang posibilidad na mabuntis sa inyong cycle ngayon, gawin:

  • Hanapin ang pinaka-maikling cycle sa mga naitala mong buwanang dalaw
  • Ibawas ang 18 mula sa kabuuang bilang ng araw sa cycle na iyon
  • Gamit ang sagot, bilangin ito mula sa day 1 ng inyong cycle ngayon — markahan ang araw na ito ng X (isama ang day 1 sa pagbilang).
  • Ang araw na may markang X ang iyong unang araw na fertile

Halimbawa: kung ang pinaka-maikli mong cycle ay 26 na araw, bawasan ito ng 18 — kaya 8. Magbilang ng walong araw mula sa iyong day 1 (o unang araw ng iyong buwanang dalaw). Kung ang iyong day 1 ay noong ika-4 ng buwan, ang mamarkahan mo ng X ay ang ika-11 ng buwan. Kaya’t fertile ka simula sa ika-11 ng buwan sa cycle na ito, kaya’t nararapat na gumamit ng ibang birth control method kung nais makipagtalik.

Upang mahanap ang huling araw ng pagiging fertile sa iyong cycle:

  • Hanapin ang pinaka-mahabang cycle sa iyong tala ng buwanang dalaw
  • Ibawas ang 11 mula sa kabuuang bilang ng araw sa cycle na iyon
  • Gamit ang sagot, bilangin ito mula sa day 1 ng inyong cycle ngayon (unang araw ng iyong period) — markahan ang araw na ito ng X (isama ang day 1 sa pagbilang).
  • Ang araw na may markang X and iyong huling araw na fertile

Halimbawa, kung ang iyong pinaka-mahabang cycle ay 30 na araw, ibawas ang 11 sa 30 — kaya 19. Magbilang ng 19 na araw mula sa iyong day 1. Kung ang iyong day 1 ay noong ika-4 ng buwan, ang mamarkahan mo ng X ay ang ika-22 ng buwan. Kaya’t sa ika-22 ng buwan ang iyong huling araw ng pagiging fertile sa cycle na ito at maaari ka nang makipagtalik sa susunod na araw.

Tandaan, ang calendar method ng family planning ay hinuhulaan lamang ang mga posibleng araw na ikaw ay safe o hindi — ngunit hindi din nito masisigurado kung kailan ka talaga fertile. Kaya’t mahirap ito gamitin kung ang iyong mga cycle ay nag-iiba ng haba o kung ang iyong cycle ay mas mababa sa 27 na araw.

Reference: Planned Parenthood

Join our MomCenter Community on our Facebook page and Facebook group for more insights on motherhood and parenting.

NO COMMENTS