September 19, 2019, noong idineklara ang polio outbreak sa Pilipinas, 19 years matapos ang huling kaso nito sa bansa. Ang dalawang kaso na nai-report ay parehong dala ng vaccine-derived poliovirus type 2 (VDPV2).
Ang ganitong uri ay rare o hindi madalas nakukuha. Nangyayari ito kapag ang huminang poliovirus galing sa oral polio vaccine (OPV) ay naipasa sa isang tao sa loob nang mahabang panahon. Kadalasan itong nagaganap sa mga lugar na may limited immunization coverage at mababa sa sanitation. Kapag nagtagal, pwede maging aktibo uli ang poliovirus kapag patuloy itong naipasa sa mga taong walang bakuna laban sa polio.
Let’s answer your questions about polio and what we can do to prevent it from spreading, especially to our families.
What is polio? Is polio contagious?
Ang poliomyelitis o polio ay isang nakakahawang sakit na may potential na maging nakamamatay dahil sa taas ng infection na dala nito sa katawan. It affects an infected person’s brain and spinal cord. Dahilan ito para magkaroon ng paralysis o ang kawalan ng kakayahan na igalaw ang ilang parte ng katawan.
What are the polio symptoms?
Lagpas sa kalahati ng mga naaapektuhan ng sakit ay hindi nakakaranas ng mga sintomas. 1 out of 4 infected people will most likely develop flu-like symptoms such as:
- Fever;
- Headache;
- Nausea
- Sore throat;
- Stomach pain; and
- Muscle weakness.
Makalipas ang 2 to 5 days, maaaring mawala ang mga sintomas na ito. There are more serious symptoms that can affect the brain and spinal cord like:
- Paralysis – Ito ang pinakamalalang sintomas na dala ng polio. May posibilidad itong humantong sa permanent disability. Mataas din ang mga kaso ng mga apektado ng poliovirus infection ang namamatay dahil tumatama ito sa muscles na tumutulong sa paghinga.
- Paresthesia – Ito ang pakiramdam ng pangangalay ng legs na madalas naikukumpara sa pagtusok ng karayom.
What are the polio causes?
Ang pangunahing paglipat ng virus ay nangyayari through direct contact sa taong infected nito. Nakukuha rin ito sa contaminated water at food. Pwedeng mailipat ng taong may poliovirus ang sakit sa pamamagitan ng ihi at dumi. Posible ang ganitong kaso sa rural areas at sa mga lugar na malayo sa malinis na tubig at proper sanitation.
Who are at risk?
Mataas ang risk sa polio ng mga batang under 5 years old. This is why it is recommended to have kids receive oral polio vaccine or OPV.
Can polio be cured?
To date, the cure for polio has not yet been discovered, but it can be prevented. Tatlong doses ng oral polio vaccine (OPV) at isang dose ng inactivated polio vaccine (IPV) ang inirerekomenda para mapalakas ang immune system laban sa sakit na ito. Ang hindi pagsunod sa schedule ng bakuna ay nagsasanhi pa rin ng pagkalat ng sakit.
Bukod dito, ang pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran ay makakatulong para hindi na maisalin papunta sa ibang tao ang virus. Napag-alaman kamakailan lang na ang sewages sa Manila ay nagpositibo sa poliovirus.
Be sure to bring your kids to health centers or your pediatrician to be updated with their immunization schedule. That way, you can rest assured that they will not be harmed by communicable diseases such as polio. Sa ganitong paraan, maiiwasan din ang paglaganap ng sakit at pagkakaroon ng outbreak.
Got more questions? Send us a message on Facebook: MomCenter Philippines.
Sources: