Breastfeeding and COVID-19: Ligtas ba Mag-Breastfeed?

Paano kung PUM o PUI si mommy? Tuloy pa din ba ang breastfeeding? 🤱🏻

0

Ang gatas ng ina o breast milk at ang pagpapasuso ay sinasabing pinakamagandang sustansya para sa mga sanggol. Ngunit sa panahong ito na laganap ang COVID-19, pwede pa bang magpadede ang mga ina na maaaring may COVID-19?

Ligtas pa ba ang pag-b-breastfeed ng ina na maaaring may COVID-19 or mga ina na PUM?

Ang PUM o person under monitoring ayon sa DOH ay isang tao na bumisita sa ibang lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 o may nakasalamuhang tao na may COVID-19 pero wala pang pinapakitang sintomas ng sakit.

Ayon sa mga doktor, limitado pa ang kaalaman ukol sa COVID-19 sapagkat ito ay bagong uri ng coronavirus. Ngunit, kung titingnan ang mga naunang uri ng coronavirus tulad ng SARS at base sa iilang pag-aaral, wala pang nakikitang bakas ng COVID-19 sa breast milk. Ngunit, hindi padin nakakasigurado ang mga eksperto na hindi ito talaga maipapasa ng ina sa kanyang anak sa pamamagitan ng breast milk.

Base dito, pwede pa magpasuso ang PUM na ina basta may tamang gabay ng kanyang doktor at handa siyang gawin ang mga sumusunod na pag-iingat.

Anong mga pag-iingat ang dapat gawin kung nais ng ina magpasuso?

  • Gawin ang tamang respiratory hygiene lalo na habang nagpapasuso, kasama na ang pagsusuot ng mask
  • Maghugas ng kamay bago at pagkatapos magpa-breastfeed
  • Ugaliing maglinis at i-disinfect ang mga gamit at loob ng bahay at kwarto

Nararapat gawin ang mga ito dahil kailangan pa din protektahan ang sanggol sa pagka-hawa sa COVID-19 mula sa ibang tao.

Paano kung may sintomas na ang ina ng COVID-19?

Sa ganitong pagkakataon, magiging PUI or person under investigation na ang ina. Ayon sa DOH, ang PUI ay mga tao na may exposure sa COVID-19 na nakikitaan na din ng sintomas ng sakit. Kaya kung ang ina na nagpapasuso ay masama na ang pakiramdam, may lagnat, o may ubo at sipon, maaari niyang piliing mag-pump o mag-express ng breast milk para sa kanyang anak. Narito ang mga dapat tandaan at gawin:

  • Regular na mag-pump ng breast milk upang hindi mabawasan ang suplay
  • Gumamit ng sariling breast pump
  • Hugasan ang kamay bago hawakan ang kahit anong parte ng breast pump at bote. Mag-hugas din ng kamay bago at pagkatapos mag-pump
  • Hugasan at i-sterilize ng maayos ang breast pump, mga bote, at ibang gamit
  • Maaaring kumuha ng ibang tao na pwedeng mag-alaga at ipadede kay baby ang expressed na gatas. Hangga’t maari, ang kukuning tagapag-alaga ay walang sakit at hindi nabibilang sa delikadong sektor ng lipunan (hindi nakatatanda at walang ibang karamdaman)

Alalahanin na maaaring na-expose na din ang sanggol sa COVID-19 bago pa man lumabas o ma-kumpirma ito sa ina (dahil sa mahabang incubation period at diagnosis timeline ng sakit). Base dito at pati na din sa mga pag-aaral na nagsasabing may taglay ang breast milk na makakapagpa-lakas ng immune system ng baby, sinasabi ng mga eksperto na walang sapat na dahilan ang mga nanay na tumigil mag-breastfeed. Lalo na kung maayos naman ang pakiramdam ng ina at kaya niyang sumunod sa mga nararapat na gawin.

Tandaan, importante sa panahon ngayon ang maging malakas at malusog. Kaya’t maliban sa pagkain nang tama at pag-e-ehersisyo, maaari din piliin ng mga ina na uminom ng mga bitamina, tulad ng Mega-Malunggay na maaaring magpalakas ng kanyang resistensya at makatulong sa pagpapadami ng suplay ng gatas para sa kanyang anak.

Join our MomCenter Community on our Facebook page and Facebook group for more insights on motherhood and parenting.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here