Mga Panganib ng Self-Medication sa mga Bata

Gawain mo din ba ang kumonsulta sa FB, mommy? 🤔

0
Image Credit: Unsplash/Michael Longmire

Maraming mga magulang ang mas pinipiling magbigay o gumamit ng gamot para sa kanilang mga anak nang hindi kumokonsulta sa kanilang doktor o pediatrician, kahit na ito ay mapanganib at hindi karapat-dapat na gawain. Ano nga ba ang mga panganib na kaakibat nito?

Ano ang self-medication?

Ang self-medication ay ang paggamit ng gamot o natural remedies nang walang payo mula sa isang doktor o propesyonal. Maaari nitong mailagay sa malubhang peligro ang buhay natin o ng ating mga anak.

Palaging tatandaan na importanteng gumamit ng tamang gamot at tamang dosage upang malunasan ang sakit. At ang makakapag-bigay lamang nito ay ang mga propesyonal at doktor na pinag-aralan ito at tinuturing na eksperto.

Ano ang mga panganib na dulot ng self-medication sa mga bata?

Resistance sa antibiotics

Ang antibiotics ay ginagamit at binibigay sa mga bata base sa rekumendasyon lamang ng doktor. Ang maling paggamit ng antibiotics sa mga bata ay maaring maging rason para mag-develop sila ng resistensya dito, at hindi na ito maging epektibo sa mga susunod na paggamit. Dapat din malaman ng mga magulang na malaking porsyento ng mga sakit ng mga bata ay viral, na kadalasan ay hindi kinakailangan lunasan ng antibiotics.

Pagkalason

Mapanganib ang pagbibigay ng maling gamot at kahit maling dosage sa mga bata. Ang tamang dosage ay kadalasan base sa timbang at laki ng batang iinom ng gamot.

Kung ang dosage ay mababa, hindi nito malulunasan ang sakit ng inyong anak. Kung ito naman ay masyadong mataas, maaari nitong malason ang inyong anak at manganib ang kanilang buhay.

Makaranas ng side-effects mula sa maling paggamit ng antibiotics

Ang maling paggamit ng antibiotics ay posibleng magdulot din ng side-effects na pwedeng makaapekto sa kalusugan ng bata. Ilan dito ay pagtatae, pagkakaroon ng pantal, hirap sa paghinga, pagkapagod, pagkalason, at kahit malubhang allergies.

Mga dapat iwasan:

Paghingi at pagsunod sa medical advice mula sa ibang magulang

May mga pagkakapareho ang sintomas sa mga sakit sa bata, ngunit hindi nito ibig sabihin na parehas ang sakit nila. Laging tatandaan na mga doktor at propesyonal lamang ang makakapagsabi ano talaga ang sakit ng bata at ang tamang lunas para dito.

Paggamit ng mga natirang gamot at pagbibigay ulit nito kapag “naulit” ang sakit

Muli, dapat tandaan ng mga magulang na kahit may pagkakapareho ang sintomas ay hindi ibig sabihin na pareho ang karamdaman. Mga doktor lamang ang makakapagsabi kung ano ang sakit at tamang lunas.

Paghahanap ng impormasyon ukol sa sakit sa Internet

Kahit na marami nang impormasyon na makukuha sa Internet, kasama na ang mga ukol sa mga sakit at lunas, may mga ilan dito na mahalaga o totoo at may ilan din na hindi – at walang tamang kaalaman ang mga magulang na masuri ito.

Pag-iisip na malala na agad ang sakit

Huwag din padadala agad sa emosyon dahil marami naman sa sakit sa mga bata ay simple at hindi nakakasama. Sumangguni palagi sa inyong pinagkakatiwalaang doktor para maliwanagan.

Join our MomCenter Community on our Facebook page and Facebook group for more insights on motherhood and parenting.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here