Kakaibang Kumplikasyon sa Bata Dulot ng COVID-19, Nakita ng mga Eksperto

May mga balita na may ibang kumplikasyon ang COVID-19 sa mga bata 😟

0
Image Credit: Unsplash

Sa gitna ng COVID-19 pandemic sa buong mundo, may mga balita na maaari din itong maging sanhi na malubhang kumplikasyon sa mga bata,

Sa mga unang pag-aaral, sinasabi na hindi ganun ka-lubha ang epekto ng COVID-19 sa mga bata kumpara sa mga nakakatanda. Sa unang datos, nasa 1% hanggang 2% ang naitalang batang may COVID-19.

Ngunit, may mga bagong datos mula sa mga bansa sa Europa at USA na sinasabing may mga kaso na nagdudulot ang COVID-19 ng ilang malalang sintomas, kasama na ang:

  • Mahabang panahong pagkakaroon ng lagnat
  • Mababang presyon ng dugo
  • Mga pantal sa katawan o rashes
  • Mapulang mga mata
  • Masakit na sikmura
  • At pamamaga ng puso at mga daluyan ng dugo o arteries

Ang lahat ng sintomas na ito ay halos pareho sa mga sintomas ng toxic shock syndrome at Kawasaki disease.

Wala pang opisyal na tawag sa mga kasong ito, ngunit napagkasunduan na ng ilang pediatrician mula sa iba’t ibang bansa na tawagin ang kondisyong ito na pediatric multisystem inflammatory syndrome o PMIS. Ayon sa ibang doktor, ito ay mas malubhang klase ng Kawasaki disease.

Sa New York, may na-talang 102 kaso ng PMIS sa mga bata at 3 — na nasa edad na 5, 7, at 18, ay namatay.

Anong kailangang malaman ng mga magulang?

Nakakatakot man ang mga ulat na ito, sinasabi ng mga doktor na hindi dapat ma-alarma ang mga magulang. Ito ay dahil sa hindi pa ito pang-karaniwan at hindi din ito nakakahawa. At mas marami sa mga kasong na-tala ay gumaling nang tuluyan. Datapwat, ang payo ng mga eksperto sa mga magulang ay kumonsulta agad sa doktor kapag nakita ang mga sumusunod na sintomas sa kanilang anak:

  • Lagnat na tumagal sa loob ng limang araw
  • Malubhang pananakit ng tiyan, pagtatae, o pagsusuka
  • Mapulang mga mata
  • Mga pantal sa katawan o rashes

Ibang sintomas:

  • Ibang kulay ng katawan — pagiging patchy, maputla, at/o pagiging asul
  • Mahirap na pagpapa-dede sa mga sanggol, o pagpapa-inom sa mga bata
  • Hirap sa pag-hinga o mabilis na pag-hinga
  • Mabilis na pag-tibok ng puso o masakit na dibdib
  • Pagka-pagod, pagiging iritable, o pagkalito

Source: WebMD

Join our MomCenter Community on our Facebook page and Facebook group for more insights on motherhood and parenting.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here